Tuesday, August 24, 2010

Dalisay Lecture

Please check your email and read Prof. Dalisay's speech. Thank you!

1 comment:

  1. Dalawang beses ko nang nabasa ang Dalisay lecture at hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang sasabihin. Masayadong marami ang mga ideya na tumatakbo sa isipan ko habang at pagkatapos basahin iyon. Gayunpaman, magsasalita ako.

    Di ako makapaniwalang posibleng magtapos nang ganon katagal, na maaaring umalis nang kahit gano katagal at muling magabalik. Naiisip ko rin kasing gusto ko muna umalis ng paaralan at tuklasin ang sarili ko. Pero nasasabik na ang mga magulang ko sa pagtatapos ko. Isa akong engineering student at sa tingin ko, hindi iyon ang perpektong dapat kong kalagyan. Dahil nasimulan ko na, napagdesisyonan ko nang tapusin na, lalo pa't nasa 3rd year na ako. Nagbunga ang pilosopiya kong ang tunay na kagustuhan sa pag-aaral ay matatagpuan ko pagtapos ng kolehiyo. Wala akong balak mag-MS o PhD. Gusto ko kumuha ng iba pang degree, nang maraming iba pa. Marami akong gustong matuklasan at ayaw kong makulong sa isang aspeto lang ng kaalaman.

    Natutunan kong ang isang ISKOLAR ay di lang basta estudyanteng pinag-aaral ng ibang tao o institusyon, na mataas ang marka at nakakakuha ng benepisyo. Ang ISKOLAR ay isang taong inaalay ang buhay sa pag-aaral. Hindi ako ganoon at hindi ko rin naman hinahangad maging ganon. Napakalaki ng mundo at alam kong napakarami pang ibang bagay na karapat-dapat mabigyan ng panahon at karanasan.

    Natapos ang lecture sa limang munting paalala. Ang una, read a book. Dahil nga engineerig student ako, sa tingin ko, ang pagkuha ko ng SocSci para maging isa sa GE courses ay halimbawa ng pagbabasa ng libro labas sa natural ko nang pinag-aaralan. At masaya ako. Wala ako masyado natutunan noong high school sa social studies dahil ayaw ko talaga ng subject na iyon. Pero ngayong kolehiyo, nanghihinayang akong di ko binigyan ng pagkakataon ang social studies na ibahagi ang sarili nito sa akin. Kung maibabalik ko lamang..

    Marami nang nagawa at nasabing pagkakamali pero hindi pa kailanman huli para bumawi. Tama siya. Get a life.

    ReplyDelete

Note: Only a member of this blog may post a comment.